asamnhs

Friday, January 20, 2006

MY LESSON PLAN DURING MY DEMONSTRATION

Paglalakbay sa Mundong Ginagalawan


Layunin:
1. Matatalakay ang pitong kontinente ng daigdig at ang apat na naglalakihang karagatan.
2. Makalahok sa gawain pangsilid-aralan sa pamamagitan ng paggamit ng powerpoint at malaman kung paano gamitin nito.
3. Makapagbigay ng kuro-kuro hingil sa mundong ginagalawan.

Pamagat:
Ang Pitong Kontinente ng Daigdig, Enchantedlearning.com, www.goggles.com, www.yahoo.com, nationalgeographic.com, http/local.live.com

Materyalis:
Multimedia presentation, worksheet
Pamamaraan:
A. Pagbabalik aral
Magkakaroon muna ng Scramble game bago ang diskasyon.
1. gdiagdi______ ang tinitirhan ng mga tao
2. pntela ______ siyam na mga malalaking bagay sa solar system
3. otrbi _______ kung saan umiikot ang mundo
4. ktrganaa ______malawak na tubig
5. oomn _______ nagbibigay liwanag sa gabi
B. Motivation
Paagtatanong sa limang magaaral kung saan ang gusto nilang lakbayin sa bahagi ng mundo at anong layunin sa pagpunta nila.
1. Gusto mo bang maglakbay o pumunta sa France?
2. Alamo ba ninyong napakalamig ng klima sa Alaska! Sinong gustong pumunya doon?
3. Kung kultura ang paguusapan umaangat ang China dahil sa kanyang pagiging ethnocentric sino ang gusting pumunta doon?
4. maraming mgagandang tanawin sa Amerika na kanilang pinagmamalaki at gusto ba ninyong Makita ang mga iyon?
5. Gusto mo bang lumangoy sa Mediterranean sea?

Tayo na at maglakbay sa mundong biyaya ng Diyos…..

C.Pagpapakilala sa Paksa

a. Group Activity (paglalakbay sa Mundo)
Bubuin ng pitong grupo ang klase at bawat grupo ay pupunta sa pitong upuan na may mga pangalan ng mga kontinente na nakalagay sa unahan. May nakalagay na instruction sa likod ng upuan at babasahin nila an gang nakasulat. Magsisimula na dito magbigay ng kaalaman tungkol sa kontinente na kanilang pinaglakbayan.
i) kunwari ay nasa Washington ka ngayon ano ang gusto mong ibahagi sa mga magulang mo?
ii) Isa kang reporter at kasalukuyan kang nagbibigay ng balita sa pilipinas mula sa middle east.
iii) Magkakaroon ng conference sa Africa at ikaw ang inatasan ng pangulo natin na magrepresenta ng bansa natin ano ang preparasyon mo at mga dadalhin?
iv) Hindi sinasadyang nastrandid ang sinasakyan nyong airplane sa australi ano kaya sapalagay nyo ang gagawin nyo.
v) Anong masasabi mo tungkol sa Spain sa isang salita lamang.
vi) Pagnarinig mo ang bansang Nicaragua ano ang unang pumapasok sa isip mo?
vii) Ang Antarctica ay lubhang malamig na lugar sa palagay mo ano kaya ang mayron doon?



b. Pagbibigay kuro-kuro
Tatanongin ang mga bata kung ano ang kanilang masasabi tungkol sa mundong ginagalawan basi sa ginawang aktibiti.

c. Pagbibigay halaga sa mga kuro-kurong kanilang binigay (class discussion)
d. Pagtatalakay sa paksa
Tatalakayin ang pitong kontinente sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan gamit ang powerpoint. Ipapakita sa buong klase ang mga larawan ng mga kontinente na kung saan ginamitan ng mga hyperlink upang lalong maging interest ang mga bata at maging kapakipakinabang na pagpapaliwanag. Sa pamamagitan nito ay maslalong ma visualize nila ang mga lugar na nasasakupan ng bawat continent. Sa mga slide na ipapakita ay nandoon ang mga pangalaan ng mga bansa at itoy madali nilang matutunan sa dahilang clear masyado ang ginamit na mga pictures. Kasali sa diskasyon ang pagpapakita ng mapa ng daigdig na kukunin sa LOCAL LIVE.COM kung saan makikita ng bata ang lahat ng kanilang hinahanap na mga lugar at pati kanilang lugar kung saan sila nakatira..

e. i) Pagbibigay ng aktibiti

· Label the map
kung saan isusulat nila ang lugar na blanko sa mapa gamit parin ang powerpoint.
· Hahanapin nila sa mapa gamit http:/local.live.com ang kontinente ng Asia at tingnan nila ang lokasyon ng Pilipinas.
Pagsususri:
Ipapabukas sa mga bata ang isang web (Enchanted learning.com.)na makikita ang mga kontinente at silay pipili sa limang katanungan na ibibigay:
1. Ano ang katangian ng Asia na wala sa ibang Kontinente?
2. Papaano namumuhay ang mga arabo sa mainit na mga deserto?
3 Ihambing ang pamumuhay ng mga taga Africa sa Europe.
4 Ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng mainit na klima sa middle East.
5 Bakit kadalasan pamumuhay ng mga taga South Amerika ay pagsasaka?
Takdang Aralin:
Alamin ang mga bansa sa daigdig at ang mga capital nito.






AQUIL S. ANDOG
English, Social Studies & Computer Education Teacher
Malabang National High School
Lanao Sur II Divison

.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home